Saturday, June 20, 2009

Ang kwento ni Florante Sibuyas

Si Florante Sibuyas ay isang malungkot na bata, emo sa makabagong salita.

Parati syang inaasar, pinagtatawanan at iniiwan ng kanyang mga kaibigan.

Sa paglalaro, s’ya parati ang huli, sa iskwela naman parating napagiiwanan.

Wala s’ya halos kaibigan, kaya ganun na lang ang lungkot n’ya.

Parati s’yang nagmumukmok, nagkukulong sa kwarto na nakakandado ang pinto.

Mahaba rin ang buhok nya, natatakpan pa ang isa n’yang mata.

Ganyan si Florante Sibuyas, isang emo na bata.

Pero masisisi mo ba si Florante Sibuyas? Ang baho nga naman daw ng pangalan n’ya.

Wala naman s’yang kaso sa Florante, yung apelydo nga lang daw nya eh!

Mabaho pa daw sa mabaho, as in parang pinagsakluban ng langit at ng mundo.

Pati mga bitwin sa langit nagtatago, s’ya rin siguro ang dahilan kaya may mga Solar Eclipse tayo.

“Hindi siguro ako magpapaka emo kung hindi lang sana Sibuyas nag apelydo ko” ani Sibuyas.

Kaya ganun na lang ang tuwa ni Sibuyas ng isang gabi, dinalaw s’ya ng isang fairy.

“Ako si Grasya Paraluman, at isa akong ilegal recruiter!”, sabi ng lalaki.

“Narinig ko ang kahilingan mo Sibuyas, kaya naman ipapadala kita ngaun sa Big Mansanas!”

“Saan po Kuya? Big Mansanas po Kuya? Saan po yun Kuya Grasya?”

“Gusto mong magahasa bata? Kung gusto mo pang mamaintain ang virginity mo, Ate, Ate Grasya!”

“Anyway Sibuyas, how would you like to change your life hmm? Malay mo, baka dun ka pa makahanap ng magandang wife!”

“Opo! Opo Kuya este Ate Grasya po pala! Sasama po ako sa inyo! Ayoko na dito!”

At ayun na nga. Sumama si Florante Sibuyas sa isang kidnapper na nagpapangap na ilegal recruiter.

Pero para kay Sibuyas, si Kuya, este, Ate Grasya ang hinihintay nyang himala…

At nang tumanda na si Florante, (mga eighteen years old, matanda na yun sa Amekrika eh)

Nagpalit sya ng pangalan, at ang buhay n’ya ay gumaan.

At makalipas ang ilan pang taon, binalikan nya ang bayan nya ng kahapon.

Pagtapak ng paa nya sa bansang sinilangan, sabay n’yang sinumbatan sa salitang dahuyan.

“Shame you mother country of my own, I never felt cared for at all!”

“In the Philippines, my
name is felt with betrayal, in America, there I finded love!”

“And now, Florante Sibuyas is no more, I shall be called…”

“Fluorescent Bulb!!!”

- The End -

1 comment:

  1. anung ginagawa mo florante tamaders bizzers?

    ReplyDelete










I

love you

dearest I love you


true



And till I can my frail heart will


always be for you